|
date: Friday, November 16, 2007
title: will you marry me?
weird day today. in stat class, bigla naming napag-usapan ni reina about how we wanted our future boyfriends to propose. haha. we were so bored and we hardly even listened to the prof.
ako: panu mo gusto magpropose sa'yo yung boyfriend mo? gusto mo nakalagay yung ring sa champagne? reina: hindi. ako: sa cake? reina: hindi. ayoko nga. baka malunok ko yung singsing. ako: nyek! hindi mo ba mapapansin na may matigas sa kinakain mong cake?? reina: malay mo. haha. pero gusto ko yung kakaiba. ayoko ng mga ganyan. napaka-stereotypical.
continuation.. during lunch break, this time nakijoin na si frenie.
ako: yung sa "wish ko lang" dati, tinulungan nila yung isang guy tapos nilagay nila sa billboard yung malaking "will you marry me?". frenie: ako gusto ko yung mga ilaw sa building.. ako: AY, OO! frenie: tapos dun kami sa rooftop makikita ko na lang sa ibang mga building na nakaswitch yung ibang ilaw, yung iba nakapatay tapos nakasulat "will you marry me?" ako: ako naman gusto ko sa pinakataas ng skyscraper tapos pagbukas ko ng pinto papuntang rooftop, maraming roses sa paligid tapos may mga tela na may nakataling balloons tapos nung pinalipad andun na yung tanong niya. hehe. reina: ayoko nun. gusto ko nasa loob ako ng office tapos makikita ko na lang siya sa bintana na naka-parachute. frenie: hahahahaha. ako: ahahaha. anu ba naman yung mga ideas natin! frenie: pero ang saya! isip pa tayo!
tsk tsk tsk. girls.
|