date: Saturday, August 23, 2008
title: RED is MARTIAL.
MARTIAL---pinaghalong Marcos, MATIAS at Law.
so ganito yun. pumunta ako ng faculty room. hinanap ko si sir fabie kasi may special quiz akong itatake. hindi ko natanong sa classroom kasi umalis agad siya. hindi lang pala siya mabilis magsalita, mabilis din palang maglakad, hindi ko tuloy nahabol. anyway, wala siya sa faculty room. ewan ko kung saang sulok ng commerce building siya nagtatago. nakasabayan kong lumabas si SIR PANTALEON MATIAS. ang ever so famous na ex-professor ko sa english. bakit siya sikat? dahil sa isang kulay na hindi naman talaga bagay sa kanya dahil lalo siyang umiitim---ang PULA. paborito niya yun dahil yun ang kulay ng partido ni Ferdinand Marcos as opposed to the color YELLOW ni Corazon Aquino. oo, maka-Marcos si Pantaleon.
paiikliin ko na nga etong kwento ko!
estudyante (boy), nagmano kay sir matias: "Sir, hello po!" matias, tumingin sa pulang bag na hawak ng estudyante: "Anung nakalagay dyan?? Baka naman may DILAW sa loob nyan..." boy: "Sir, wala po! Nakalagay po dyan yung PULA kong SHORTS....PULANG T-SHIRT....PULANG SAPATOS...PULANG MEDYAS... PULANG FACE TOWEL...." matias: "Patingin nga..."
hindi ko alam kung totoo yung sinasabi nung lalaking yun pero panigurado lagot siya kung nagsisinungaling man siya. at mas lalo pa siyang malalagot kung may BAHID NG KAHIT ISANG KATITING NA DILAW sa mga gamit na nakalagay sa pulang bag niya na iyon.
yessss... may pagkamalalim ang tagalog, chong! hahahaha. buwan nga pala ng wika ngayon. hindi ko man lang naramdaman. ayos lang! araw-araw naman akong nagfi-FILIPINO eh. for me, este, para sa akin, araw-araw ay selebrasyon ng pagkakaroon ng wika...... woooooh! utot! haha. naku, paniguradong ipapa-boycott ni sir matias yung iamNINOY campaign. lagot ako! pinopromote ko pa man din. hahahaha.
so ayun.. ay SHET! ala-una na! kailangan ko pa palang bumalik sa school para hanaping muli si fabie. oh siya, PAALAM MUNA!
|